Chickens do vent. Peaches can't.
I don't want to lose control, so habang nasa i-can-handle-it level pa ko (with the shaking smile that I'm trying to hold like an idiot)I'm going to intentionally vent here in my space where no one can hold me or disrupt me from my immaturity.
Whatever.
Obviously, my purpose for posting this here alone (and not on my recently frequented multiply) is to keep away from judgmental eyes who have no business with me whatsoever. I hate to say it but although multiply is really good, nothing compares to my old home here in my main blog where I established my real territory.
So! What is the bitchin' of the peach all about?
It's been a while. The preliminaries have just ended yesterday. Maybe that's a factor to consider, alright, but I wonder why it's so hard for the people around me to love me as I am. I find myself asking this question of love over and over again in my life, and although sometimes I find my answers...I just go back asking again, feeling rather unsatisfied.
Dissatisfaction? Well, that's quite a word. By nature we are all...yearning for more. The lusts of the flesh, the lusts of the eyes which so successfully keeps us away from the love of God...man, it's taking over me. The darkness looms with shadows of doubt reaching for my neck like long amrs...and I can't seem to do anything but to choke in its merciless grip.
And with this entanglement, I try to scream and shout and sing to the world...a cry for help which everyone just ignores...I try to move my legs, and yet...the darkness has ensnared me so to just accept this and stay this way.
I thought my mother could understand now...I already became part of the medical team as agreed, in accordance to her view of a fruitful job for me. She did not force it on my brothers- she COULD NOT force it on them, not even my brother. And yet, she did well on feeding me something I try so hard to spit out, and yet, with just her eagle eyes, I am warned to just swallow everything in silent choking.
And if only she could strain to hear my voice through the walls of my room where I have locked myself in... "See me as I am. I want to be an artist. I want to play the guitar. I am a writer. Your daughter wants you to understand that she also needs to express herself in such ways, aside from holding syringes and vials which you so dearly want her to hold, yet it gets tiring, you know..."
My mother and my brother...the inconsistency of love just disappoints me more and more. Everything about them makes me feel inferior. I feel inferior enough with this fragile upbringing- why can't they just back off and be satisfied with the frail being that I have become? They shoo me off habitually just because 'sinisira ko ang araw nila (when they see my face)'. They tell me I'm stupid when I don't know something that they can do naturally. While both of them could just go anywhere they wanted to, anytime...I can't.
Just this morning they argued upon who's gonna take me to school. I wanted to cry so much in my room, but I took it out on Rey (the guitar) instead of wasting liquid pearls on my shirt. And when suddenly my mother agreed to take me to school, my brother spoke, 'Siguraduhin mo lang na may gagawin ka nga. Nakakaperwisio ka.' and 'Naglalandi ka lang naman diyan.'
I laugh, I laugh...I think it's my leather coating...kumakapal na, nagmamanhind na yata ako. Ewan. Buwisit lang talaga. Buwisit kasi hindi nila matanggap kung sino ako. Buwisit kasi hindi nila ako magawang tanggapin at bigyang halaga ang mga sinasabi ko, mga opniyon ko sa bahay. At buwisit talaga kasi alam kong mahal ko sila at nagagalit ako sa kanila.
By habit, tumatalikod na lang ako sa katotohanan. Ibinababad ang sarili sa trabaho, nagbabakasakaling tuluyan nang malunod at hindi na matagpuan...naghahanap ng aliw sa iba't ibang pasyente at bagay...nagkukulong sa silid...dinadaan sa paligo...natutulog at nagbabakasakaling hindi na muling magising...o kung magising man...magigising sa masarap na kasinungalingan na may nagmamalasakit at may nagmamahal nang tunay sa kanila.
Kahapon nga pala nakapag-usap kami ng aking pinakamatalik na kaibigang si Jonreph. At sa isang makasaysayang pag-uusap sa ilalim ng kumot ng mga bituin at malamig na simoy ng hanging nadaan sa ulan...nagbago ang lahat para sa amin. Naramdaman ko ang pagsisimula ng mas malalim na pagkakakilala sa isa't isa...bilang totoong magkaibigan na sa aking pananaw ay hindi na muling mapapantayan ng kahit sino man sa mundo. Ngunit hindi ito nangyari nang walang sakripisyo...isang matinding pagtawid sa baga ang aming dapat daanan, at ito'y hindi madali.
At pagkalipas ng pagtawid...kahit nauunawaan ko ang buong katotohanan ng mga pangyayari, hindi ko maiwasang masdama ang mga pasong natamo ko sa pangangahas na tumawid sa baga sa kagustuhang maging mas matibay ang samahan namin. Iniisip ko ngayong, kahit dapat naiintindihan ko na ang lahat...bakit ngayon lang naisakatuparan ito? Masakit pa ang mga paso...ngunit tama, marahil ay ito talaga ang oras naming mas makilala pa ang isa't isa.
Ang aking pagmamahal...isa pa yan. Nagmahal na ba nang tunay si peach? Sa mga panahong ito, hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko kung sapat na ba ang mga ginawa ko upang mapanatiling panatag ang loob ng aking mga minamahal sa buhay...mga kaibigan, mga kapamilya...mga kasintahan...may ilang mga pagbabago, bukod pa sa aming pagpapakilalang muli ni Jrep.
May mga kaibigan akong noo'y akala ko'y maaasahan kong mamahalin ako nang totoo...at ngayong may nangyayari na, wala nang ginawa kung hindi magpakaligaya sa aking kabiguan ('Masaya lang akong malaman na hindi ka pala perpekto...laugh laugh.'). May mga kaibigan akong hindi ko inasahang poprotekta sa kin, ngunit...ayun, sinalo nila ang mga kapraso ng kasiraan ko sa buhay. (Salamat.) May ilan pang...nalalayo, naiiba ang landas...na kahit anong habol ko sa kanila...lagi akong naiiwang nagigising sa katotohanan na wala nang kahawak ang kamay kong nangiginig.
Segway...
May nagmamahal na nagsasabing...'I love you.' Binibigkas ang mga bawal na salita sa isang bawal na pag-ibig. Ang maromansang babae...nangangarap, naniniwala, umaasang totoo nga ang pangakong 'i love you.' Ngunit ang nagmamatigas at mas mautak na lalaki ay nagsasabing ito ay isang lantarang gamitan lamang...sumasagot lamang sa tawag ng laman. So what defines love then? Is it holding on for as long as you can, or is it letting go of something you think you want the most now?
Kung hindi man sapat ang aking nagawa para sa pagmamahal, ako nga ang dapat sisihin sa lahat ng mga taong hindi ako kayang mahalin.
Marahil tama nga ang laging sinasabi ng nanay ko na, 'Wala ka nang ginawang tama.'
May ganoon palang tao ano...siguro nga ako ang mali sa mundong ginagalawan ko. Hahaha.
So I'm having conflicted thoughts.
Don't say that.
No, it's true.
Ano ba?
Ako nga ay isang komplikadong nilalang. Hindi madaling unawain.
Ang tanong ko naman...may mangangahas bang magmahal nang tunay sa akin?
May nangahas na ba?
No comments:
Post a Comment