Rules of food/ rules of romancing by anni

While I was eating with a friend of mine, si Maskitot, I got inspired to do this fun blog of rules reagrding food which can be applicable to love, hehehe. After all, our gastronomic habits undeniably match our love patterns...sabi nga ni Sir Tekiko, one of my most beloved instructors in my college, you are what you eat talaga- a person's character can be reflected in the way he or she eats.
So! To start. Ten freakin' rules...go figure! Hahahaha.
  1. Isa-isa lang. Oo, may gumagawa nga nun- yung nilalahat na ang pagkuha parang wala nang bukas. Pero anong tawag doon? BABOY! Di ba? Hahahaha! Sinasabawan ang hindi dapat sabawan, isang kagat lang sa isa tapos aayawan na. Hindi na nga napaninindigan ang choice, nahahati pa ang panlasa sa dami ng kinukuha. At sa huli, ikaw din ang talong masakit ang kalooban- kasi pinilit lahat...o minsan, wrong combo! Nako. Glutton. Hahahaha.
  2. Huwag kang takaw tingin. Hindi lahat ng nakikita mo pag gutom ka ay puwede mong banatan. Hahahaha. At hindi excuse ang tag-gutom para bumanat ka na lang basta ng kung anong meron diyan na hindi naman iyo, kahit na (at lalo na) pag sa kaibigan mo pa iyon. May tawag kasi doon- HAYOP. Wahahaha.
  3. Huwag kakain ng mga natirang puta...heng malapit nang mapanis. Alam mo palang pasira na- huwag mo nang banatan tulad ng mga nauna dahil lang sayang. Not worth it! Magkakasakit ka pa niyan! Eew!
  4. Sa labas, huwag pipila nang hindi alam kung ano ang gusto. Nakakasagabal ka lang. Pagulo kasi, habang yung iba sigurado na sa gusto, hindi naman makasingit kasi may harang, at ikaw iyon! Mabuti pa, umalis ka na lang muna at bumalik ka na lang pag ready ka na and you have made up your mind.
  5. Make sure that once you take something, you take it whole. Huwag yung kakalikutin pa sa kinalalagyan, tapos pipiliin lang yung gusto. Ano ba naman yung kunin mo na lahat, then give it a chance. May reason kung bakit siya ginawang ganyan, kaya sa ayaw at sa gusto mo, take it or leave it whole lang. Kung alam mong hindi mo feel yung isang portion o component, eh di wag mo nang guluhin para maayos siya- drop the idea and leave it as it is!
  6. Ang hilaw, huwag gagalawin. Siyempre, handled with care iyan- malinis ang pagkakaayos niyan. At kailangan pang dumaan sa complex preparations niyan bago ihain ng expert. Ano ba naman yung maghintay ka sa labas para makakain nang masarap. O baka naman gusto mong kumurot ng kaunting sarap...at habang buhay matikman ang lupit ni inay...*cringe*
  7. Ang pata, pata. Ang manok, manok. Ang isda, isda. Hindi kailanman puwedeng maging manok ang isda and vice-versa. Oo fine, sige may tinatawag tayong veggiemeat for vegetarians, pero gulay pa din yung di ba. Ang gulay, gulay. Hahaha. Name it as it is. Huwag mo nang pangalanan ng kung ano pa.
  8. Linisin ang sariling kalat. Everybody makes a mess, ika nga...pero don't cry over spilt milk nga rin. Pag may natapon, quit the blame game so you can clean up the mess and carry on- either eating what's left of the same stuff and just helping yourself to a second serving if you care...or daring yourself to a new dish. We can't help that sometimes...it's just choices.
  9. Take your time. Savor the experience. It's not a horserace or a card collection. Take in too fast and too much at baka ka mabulunan- and we know it's not really fun if you fail to digest everything. Sayang naman. Hahahaha.
  10. Huwag pilitin ang ayaw. Sa mundo ng (pagkain/pag-ibig), may mga adventurer, may mga game sa lahat...may mga choosy rin. May iba-iba ring methods of choosing applied- may gusto ng pasulyap-sulyap, patikim-tikim...may ilan din namang alam na iisa lang ang preference kaya maghahanap pa nang matagal iyan, maghihintay hanggang sa dulo. May short-time, may long-term. Ewan. Basta we just have to understand diversity. Hehehe.
Now I'm not saying I'm an expert on food or even love, pero I think I'm fit enough to say something about both topics! Hahahaha
OK, that's it. Kailangan nang matulog ng cholesterol ko. Wahooo!!! Hahahaha. Goodnight.

No comments: