Tuwing Umuulan

Tuwing umuulan, 
Naiisip kong
Maaari bang kisses na lang
O em em
Ang mahulog sa lupa?
(Huwag lang masyadong bumagyo at malamang masakit^^)

O kundi kaya'y umulan ng coke?
(Uso yata iyon)
Di ba't napapanahon ang acid rain?
Kung dagdagan kaya natin ng asukal
At maraming maraming carbon?
Magkatotoo na kaya ang pangarap ko?

Paano kung adobo? Na aking paborito
(Pero dapat boneless at baka makatusok^^)
O vanilla ice cream
Parang niyebe lang sa Pinas!
Nang ating masabi
Ng may mas malalim na kahulugan:

"Masarap ang panahon.
Natitikman ko pa."
At sagot na rin ito
Laban sa suliranin ng taggutom sa bansa,
Sa mga mamamayang naghihirap,
Kumakalam ang sikmura,
Pagdiriwang nila'y tiyak,
Sa pagbulusok ng ulan:
Paghiyaw na kasabay, 
Ng pagkulog sa langit,
Na parang bulungan ng pananabik,
Bago ang inaasahang pagtatanghal,
Bago ang kinasasabikang pagsasalusalo.

Tuwing umuulan,
Naiisip kong 
Sana'y hindi ako nag-iisip nang ganito,
Nagpapadala sa mga mala-bahagharing pangarap,
Nagpapaanod sa matamis na mundo ng kabataan,
Sa huwad na mundong kathang isip lamang,
Na hindi kailanman maisasakatuparan ng langit,
Tulad na lamang ng batang pusong umasa,
Noong minsa'y
Umulan


No comments: