Masanay Ka Na

Hay Diyos ko, sabi ko nga po eh...

Sa gabing ito, pagkalipas ng aking pagmumuni at ating pag-uusap, naipaalala Niyo po sa akin ang isang *sabay tingin sa google ng katumbas na salita* bersikulo sa aklat ni Pedro- 

(eto hindi ko na maitatagalog at nako... hahaha)
1 Peter 12-13- "Dear friends, do not be surprised at the fiery ordeal that has come on you to test you, as though something strange were happening to you. But rejoice inasmuch as you participate in the sufferings of Christ, so that you may be overjoyed when his glory is revealed."

Dapat hindi na po ako nagugulat sa nangyayari sa akin... lalo na nitong mga huling linggo na sinusubok ang katatagan ng aking pananampalataya. Ang hirap lalo na kung ang mga mahal mo ang mismong nagbibigay ng hirap sa iyo. Alam ko naman na pangako ng Diyos ang pagsalba sa 'kanila'... siyempre sa takdang oras at plano Niyo po, darating iyan... Hay, ewan ko ba. 

...

Nako, mare...masanay ka na. Ayos lang, masaya ka naman. Totoong masaya...malaya...panatag ang loob dahil sa Kanya.

Sa ngayon, nararapat lang na maging matatag... ganyan talaga ang resulta ng isang matinding pagpapasiya: Malamang may mga dapat isantabi...mga bagay na hindi na mahalaga kung ang pagtutuunan ng pansin ay ang bagay na napiling panindigan. :)

Diyos ko... lagi Niyo po akong paalalahanan... Salamat po sa karunungan na ibinibigay Niyo. Turuan Niyo po akong maging matatag...

No comments: