Anyway, etong pagpapalit-anyo ng aking personal na espasyo dito ay marahil dahil na rin kay Tif at sa paghanap nya sa peach touch ko (informal, reckless, bubbly, at parang teks ang dating) na hindi ko namalayang dahan-dahan nang nawala (salamat, Tif!). Bakit kamo niyo nawala? Well, sabihin na lang natin na parang kalsada iyan jan sa harap ng bahay namin- baku-baku na so nag-under construction, hahaha!
No, honestly my stay here in Malabon has triggered a 'spritiual growth spurt,' as I prefer to put it. At siyempre, tulad ng kahit anong bagay na kailangan ng malaking pagbabago, kailangan ko ring dumaan ng ilang significant 'moments' kung saan ako'y napapaisip...inaayos ang sarili upang maging mas matatag at mas karapat-dapat sa ating iisang pinakamamahal. Kaya iyan, ilang linggo rin akong iba ang isip.
Pero wala naman akong pagsisisi- sa katunayan, tulad ng nasabi ko sa karamihan sa inyo, I don't think I have ever felt happier in my whole life than this, with the satisfaction of a love that I have sometimes lost, and with a deeper understand of the meaning of purposeful living. Drama ba? Hahahaha! Ganyan talaga si Peach, ano...yan naman ang di ko mababago...iiyak at madudulas pa rin sa putik itong mukhang to, mabibigo ang kalooban at masasaktan, pero maganda pa rin ang hair!
Nah, seriously- huwag nating kalimutan na kasama ng mga kabiguang iyon, marami pang pagkakataong tumawa, mang-gudtym ng mga logets, umap-d8 with the circle of friends at maghanap pa ng iba, kiligin with cuties (Taski!), mag-o2jamming, atbp...happiness is a choice, ika nga. Oo nga naman, ang hirap naman kasi kung lagi na lang tyong sasabay sa alon (tulad na lang ng pagiging pormal ko sa blog noong ilang entries past)...isipin niyo na lang- only DEAD fish swim with the current! Ayos ba? :P
Mga friends, miss ko na kyo so update me through any means possible, cool b tyo jan?:) Hugs...
No comments:
Post a Comment